Life is just a big game. And for her, that game is called Truth or Dare..

Ewan ko ba.

Bakit kaya yung ibang mga tao, kapag nainlove, binibigay na yung buong buhay/pagkatao/puso/pagmamahal or simply lahat-lahat sa taong mahal nila? I just don’t understand.

Kasi naman, sasabihin nilang, “You’re everything I need.” or kundi naman “You’re the world to me. You’re the only thing that keeps me alive” And I’m here like, “How could you say that?”

Don’t get me wrong ha. I have a boyfriend too. I love him. But I understand that we’re still very young, kaya yung relationship namin parang inspiration lang to both of us. We know what’s right from wrong. And we know that we are each others priority. But WE are not the ONLY PRIORITY of each other.

Pano ko nasabi? Syempre naman. Andyan pa yung pamilya ko. Yung mga kaibigan ko. Oo, pag nagmahal ka ng totoo, dapat totoo ka talaga. As in buong-buo mo syang mamahalin. Pero you have to understand na hindi lang sya ang nilalaman ng buhay mo. Hindi lang sya ang bumubuo ng pagkatao mo. Bakit, sa tuwing nagaaway kayo ng taong mahal mo, sino ba yung nalalapitan mo? Di ba yung mga friends or family mo? Sino ba yung mga taong mamahalin ka at magiging totoo sayo kahit sino ka pa man, bukod sa ka-relasyon mo? Yung pamilya mo. By blood or not.

So hindi mo pwedeng sabihin na sya lang yung kailangan mo. Kasi sa kadulo-dulohan ng lahat, hindi lang din naman sya yung kasama mo eh diba? Ako kasi, hindi ko kinakaya kung halimbawa eh magkaaway kami ng bestfriend or ng mom ko. Pag ganun, mabigat sa pakiramdam ko. Syempre sinasabi ko kay boyfie yun. And he tries to help me. Alam nya kasing hindi lang sya yung kailangan ko. Para bang, oo kailangan ko sya. Pero hindi lang sya kundi pati na rin lahat ng taong naging parte ng buhay ko bago pa man sya dumating.

Mabubuo ka parin kahit wala ang taong mahal mo. Pero ang taong TUNAY na nagmamahal sayo, hindi hahayaan na mabuo ang buhay mo nang wala sya. So hindi mo rin kailangan sabihing, “You’re everything I need.” para lang bumalik sya sayo. Kasi kung sya talaga yung taong nakatadhana para sayo, hindi ka nya iiwan in the first place.

So what I’m saying is, don’t be selfish. And don’t be foolish. Kasi kapag sinabi mo yun, halatang di mo iniisip yung mararamdaman ng mga kaibigan at pamilya mo. Gets? :)

If all my friends were to jump off a bridge, I wouldn’t follow. I’d be at the bottom to catch them when they fall.

Just when you think you can move on, you’ll remember all the reasons why you held on so long.

"Naniniwala ako na, kahit gaano ka pa ka-busy at katamad, mag-eeffort at mag-eeffort ka talagang magreply sa taong mahal mo."

Lloyd Cadena(LC-Learns#34)
live-love-laugh-meow:

Hair on @weheartit.com - http://whrt.it/WpSIRV

live-love-laugh-meow:

Hair on @weheartit.com - http://whrt.it/WpSIRV